Wednesday, 7 August 2013

ALIM (Epiko ng mga Ifugao)


Noong unang panahon, ginalit ng mga tao ang mga diyos at diyosa dahil sa kanilang pagkakasala at patuloy na pasuway sa kautusan ng mga diyos. Nagpadala ng malaking baha na nagpalubog sa buong daigdig at sumira sa lahat ng nabubuhay na nilalang. Dalawa lamang ang nakaligtas sa pagbaha: sila ay magkapatid, sina Wigan at Bugan. Nang nagsimula nang tumaas ang baha ay umakyat si Wigan sa bundok Amuyaw upang mailigtas ang sarili. Ganoon din si Bugan na pumunta sa bundok na Kalawitan upang maghanap ng masisilungan.

Nanatili si Bugan sa bundok hanggang humupa ang tubig at hanggang matuyo ang lupa. Bumaba siya at nadiskobre na siya lamang ang natirang buhay. Lahat ay nalunod kahit ang mga hayop. Nagkalat ang mga patay na katawan, mabaho. Sa kanyang paglalakbay upang humanap nang makakain ay nakakita siya ng isang babae na natatabunan ang kalahati ng katawan sa lupa, kumakaway sa kanya. Nakilala niya ito.

Bugan! masaya niyang sabi habang ibinubuka ang braso upang yakapin siya.

Wigan, aking kapatid, nanginginig niyang sabi dahil sa di masidlang kasiyahan. Pinabayaan niyang yakapin siya ng kapatid at inihilig ang ulo sa kanyang dibdib.

Nasaan ang iba? tinanong ni Wigan pagkatapos.

Patay na. sagot niya. Sa aking palagay ay tayo lamang ang nakaligtas sa pagbaha.

Naglakad-lakad sila upang tingnan kung may iba pang nakaligtas ngunit wala silang nakita. Ang nakita lamang nila ay mga patay na katawan ng mga tao, hayop kahit ang mga halaman.

Naghanap sila ng lugar na matitirhan. Nakakita sila ng lugar na malapit sa dalampasigan kung saan nagsisimulang tumubo ang mga halaman. Nagtayo sila ng kubo mula sa mga kahoy na nakakalat sa paligid. Pagkatapos ay inilibing nila ang mga patay na katawan na nakita nila malapit sa dalampasigan.

Gutom na ako, sabi ni Bugan habang nagpapahinga sila pagkatapos ilibing ang mga patay na katawan.

Ako din, sabi ni Wigan. Dito ka lamang at titingnan ko kung makakahuli ako ng isda sa dagat.

Sa tingin mo ay may isda doon? tanong ni Bugan.

Ang mga halaman ay nagsisimula nang tumubo. Siguro ay humuhupa na ang galit ng mga diyos at babalik na din ang mga isda sa dagat.


Mayroon ngang mga isda sa dagat. Nang gabing iyon ay kumain sila ng saganang hapunan ng pinakuluang isda. At natulog silang magkasama. Pagkatapos ng ilang araw ay natuklasan ni Bugan na siya'y nagdadalang tao. Pumunta siya sa dalampasigan at tinangkang lunurin ang sarili sapagkat nahihiya siya dahil siya ay nabuntis ng kanyang kapatid. Ngunit bago pa man siya makapunta sa malalim na parte ng tubig, isang matandang lalaki ang nagpakita sa kanya. Sinabi nito na siya si Makanunggan, ang diyos ng Ifugao. Ikinasal ni Makanunggan ang dalawa at nagkaroon sila ng siyam na anak, limang lalaki at apat na babae.

Nagkaroon ng malawak na tag-gutom. Kumonti ang ani. Nagpatay sila ng daga at inihandog nila kay Makanunggan ngunit nagpatuloy ang kaunting ani.

Ano ang gagawin natin? tanong ni Bugan kay Wigan isang gabi bago sila matulog. Mamamatay tayong lahat sa guton kung magpapatuloy ang mahina nating ani.

Hindi ko alam kung bakit galit si Makanunggan sa atin. Marahil ay hindi niya nagustuhan ang daga na inihandog natin sa kanya.

Bakit hindi natin ihandog ang ating anak na si Igon?

Nagkasundo sila na patayin si Igon, ang pinaka-batang anak at inihandog kay Makanunggan. At sa wakas ay natapas ang mahinang ani. Ngunit nagpakita muli si Makanunggan at sihabi na ang ginawa nila kay Igon ay karumal-dumal. Ikinalat sila ni Makanunggan sa apat na sulok ng lupa, sa silangan at kanluran at sa hilaga at timog. At sinumpa sila dahil sa ginawa nila kay Igon. Mag-aaway sila sa bawat pagkakataon na malalapit sila sa isa't-isa.


6 comments: